Bike-It-List: BIKES Wawa Ride

SUNDAY, 03.07.202

Lake Shore of Taal Wawa Ride. Mula Lipa City, ang way natin ay papuntang Tanauan. Sa Tanauan taffic light, kaliwa lang puntang Brgy. Sambat at makalampas ng Star Tollway Bridge turn left. Baybayin ang mga barangay ng Natatas at Balele. Diretso lang papuntang lawa. Barangay Wawa ang pangalan ng lugar na destinasyon. Maganda ang view dito ng Bulkang Taal, lawa at mga nakapalibot na kabundukan na makikita sa gallery.  Meron din silang offer mga kainan. Isa na rito ang Tagpuan. Sa papuntang Balete naman, papasok sa Brgy. Uple na kainaman naman ang ahon. Unli-ahon din ito at pataas talaga. Pwedeng kapusin ka sa hangin, mapagod at sumakit ang talampakan dahil sa tindi ng ahon. Base sa experience, matindi pa ahon nito kumpara sa Bitukang Manok ng Atimonan, Quezon. Pagbaba mo naman papuntang Balete, enjoy sa unli-lusong. Makipot ang daaan at paliko-liko na napapalibutan ng maraming puno. Huwag kakalimutan suminsay sa Kainan ni Tita Eva para sa  masarap na suman at tamalis..Meron din silang offer na breakfast meals. Pwede kang umexit patungong Levitown, Marauoy o dumaan sa Brgy. Kinalaglagan labas ng Mataas na Kahoy.

At dahil ahong malupet sa Barangay Uple, wasang na naman ang isang kaBIKES. Hindi kumpleto ang ride kung walang mapupuntahan na masarap na kainan. Kaya ng makarating ng Balete ay agad kumain  kina Tita Eva. Bago umalis syempre hindi malilimutan magbitbit ng masarap na pasalubong na pinagmamalaking suman (c/o tita Eva) ng municipality of Balete.

Tags: road bike, road bike price, road bike trinx, road bike frame, road bike size chart, road bike price philippines, road bike cannondale, trinx, corratec, cycling, bike, mtb, cyclist, bicycle, bikeporn, mountainbike, bikes, velo, mtb, downhill, mtblove, mountain bike price, mountain bike for sale, mountain bike parts, mountain bike foxter, mountain bike price philippines, mountain bike philippines, Tanauan Tourism, Batangas Tourism, It’s more fun in the Philippines, Wow Philippines, Philippines Tourism, Lake Taal, Taal Volcano, Suman ng Balete, Balete, Balete Tourism, Suman ni Tita Eva

 
 
  
  
Repairs in Progress! Thank you for visiting.